Dec. 20, 2011 @ 12:55 PM _

thephotowalkkid:

madaming pwedeng tulungan.. di mo na kailangan tumingin sa malayo… 

thephotowalkkid:

madaming pwedeng tulungan.. di mo na kailangan tumingin sa malayo… 

Dec. 20, 2011 @ 12:52 PM _

(Source: mardukkk, via tthehumancondition)

Nov. 8, 2011 @ 9:03 AM _

(Source: pag-asameanshope, via sillyrani)

Nov. 8, 2011 @ 9:03 AM _

(Source: this--too--shall--pass, via omgyouredrivinmecrazy)

Nov. 8, 2011 @ 8:47 AM _

(Source: keepcalmandfollowmeontumblr, via soadramaqueen)

Bakit nung nagkahiwalay si Kim Chui at Gerald Anderson parang nagkagulo sila? Si Kim naging Tomboy tas si Gerald naging Budoy. COOL! :)))

Nov. 8, 2011 @ 8:46 AM _

kimpoyfeliciano:

(via omgyouredrivinmecrazy)

Nov. 8, 2011 @ 8:46 AM _

(via 020391-)

Study Load

Nov. 8, 2011 @ 8:34 AM _

        I was looking upon my study load, walking from corridor to corridor in somewhat the most straight-fashioned way I could ever think of. It’s Tuesday, November 8, 2011. It has been a few weeks after that crazy guy over family radio’s “Judgment day” occured. That day was not too “judgy” at all. No explosions. No wars. No aliens invading the planet Earth. Everything was as normal as a wisdom tooth growing from an adult’s set of teeth. For short, no “end of the world” happened that day. I mean c’mon! Only God knows when. Well anyways, we’re going back to my story.

         It was already 10:00 A.M. and based on the data presented in my crumpled and somewhat trash-looking study load, I was an hour late for my Theology class.     I did not dare to enter, even let anyone take a glance at my shadow. I felt embarrassment  during that moment. I mean, who wouldn’t be? Its the first day of school after your semestral break and then you appear late in action. Its like you’re playing the cops in action movies who’d arrive in the area in time to clean up the mess after the lead star and (sometimes) his/her love interest or partner has kicked everyone’s behind. What I did next? I left. I went to my next class. This time, I was confident and my energy was on a rampage because I knew the subject awaiting me was very interesting. It was my field of expertise. My pride and joy back in  High school. Yes. It was, at last, time for History 101.

     But eventually, I got pissed off and disappointed. Our freakshow professor never showed up. So what I did next was to take my bag, leave the room and find my girlfriend. I just needed someone to ventilate this feeling on even for just a bit. That “just a bit” turned out to occupy my whole afternoon. We ate lunch together, watched a flick then gather up with the gang back at the campus. If it were not for my circle of friends back here where I’m studying my bachelor’s degree in college, my day would have been but a day full of Tepman’s negative vibes and never-ending murmurs. But, I have to be frank. The idea of going to campus on the first day of my second semester is somewhat alike with the idea of making a blog entry for Jasmine Vestil simply because of her insulting statements about our city. It surely wasn’t worth it.

Just Voicing MY Opinion?

Nov. 6, 2011 @ 9:35 AM _

Ito ang Pilipinas. Isang arkipelago na matatagpuan sa Asya at pinamumunuan ng isang gobyernong nagpapairal ng demokrasya [at korupsyon] sa buong bansa. Isa sa mga pribilehiyong na-eenjoy ng isang mamamayan ng ‘Pinas ay ang kalayaang maipahayag ang kanyang saloobin. Pero alam naman nating may limitasyon ang nasabing karapatan. Ang tanong ngayon ay kung saan ang hangganan nito?

Isang halimbawa nito ay ang pagvo-“voice out” ng isang babaeng nagngangalang Jasmine Vestil ukol sa hindi niya kaaya-ayang karanasan habang bumibisita sa maliit na siyudad ng Butuan. Sa isang facebook status niya, she said and I quote:

“I’ve been to the worst city for two days. Butuan City you suck.”

So anong point niya? Sinasabi niya lang namang pangit ang Butuan dahil ewan ko ba.. wala daw Goldilocks eh.. Balak siguro nitong magtayo ng branch dito. Pwede siya doon sa Robinson’s na itatayo pa lamang. Matatagalan lang naman ng konti pero payts na. Okay, back to the context of this article(weh?),  maraming taga-Butuan ang nagalit sa kanya dahil sa statement na ito. Magpapasko pa nga lang daw eh wanted na siya.  Eh di ba may freedom of speech yung Jasmine na ‘yun? Bakit ba tayo nagagalit kung ganun? May karapatan ba tayong magalit? At ba’t ba tayo galit? dahil ba hinalintulad niya ang Butuan City sa mga bampira? Malabo atang mangyari ‘yun. Malayo lang talaga ang mukha niya sa mga bampirang pinoportray ng twilight saga. Mas kahawig niya yung si “So”. Hindi Beatrice So. ah. oo. itong So na ‘to.

Actually, tama. May karapatan siyang ipahayag ang kanyang saloobin. Pero mali ang paggamit niya ng karapatan na ‘yun. Umabot na siya sa limitasyon kung saan hindi na tama at may natatapakan na siya. At gaya nga ng sabi ng mga propesor namin sa PolSci, “your right ends when the right of others begin.” Ibig sabihin, Tapos na ang karapatan mo kung may nasaktan ka, bagkus, ang taong nasaktan mo ay siya ngayong magdidikta kung sisipain ka ba niya papasok ng kulungan o pababayaan ka na lamang niya sa ginawa mo. Konsensya mo na lang. Kaso nga lang sa case niya.. hindi isang tao kundi isang siyudad ang naapakan niya. At ang mga taong ito ay may malaking karapatang humingi ng  apology o magfile ng kaso kontra sa mga mapanirang pahayag na ibinigay ng isang babaeng naghahanap ng Goldilocks sa bayan ng Butuan City.

Ang hindi rin alam ng taong ‘to ay dinudungisan niya ang imahe ng mga tao sa Davao dahil sa ginawa niya. Imaheng pinaghirapan ng makatarungang Mayor at Vice Mayor Duterte. Magaling pa naman silang mga public servants tsaka mabait pa naman ang mga tao diyan. Friendly advice lang igan, mag-ingat ka na sana ngayon. Baka ‘sang araw eh bugbugin ka ng mayor niyo dahil sa mali mong pag-asta. May pa-“get off my lawn” ka pang nalalaman. Wala naman atang magkakainteres diyan. Ni zombie eh di magde-dare na pumasok diyan. Para sa’n naman? Wala naman ata silang makikitang brain diyan. Pwera nalang kung ang lawn na sinasabi mo eh yang nasa.. Nevermind.. parental guidance is adviced eh. Pero sobra naman siguro kung ‘di ko siya papatawarin. So heto, patawarin na natin kahit huwad man ang apology niya sa atin. We all know liars go to hell na man. At least, alam niyang umubra ang bluff niya.

Kung tinatanong niyo kung bakit ginagawa ko ‘to eh iba ang rason ko sa karamihan sa inyo. Hindi dahil ininsulto niya ang Butuan kasi walang Goldilocks dito. Hindi dahil dinudungisan niya ang magandang track record ng samahan ng Butuan at Davao. At hindi rin(siguro) dahil kamukha niya ‘to.

Galit lang ako sa maling grammar niya. It shows na wala siyang pakialam sa edukasyon niya. Mas mabuti pang mag-aral siyang mabuti kaysa lakwatsa ng lakwatsa. Kung ganun man ang gusto niya eh mas mabuting palitan na lang niya si Dora. Aside sa magkakapera na siya, may matututunan pa siya.Hindi gaya n’yan, lumalaki siyang mababaw ang pag-unawa sa mga bagay-bagay. Biruin mo, para sa kanya  eh ang tanging makakapaganda sa isang siyudad ay kung may branch ito ng Goldilocks. Ooops! Teka lang. Bawal ang galit. Bawal ang pikon. I’M JUST VOICING OUT MY OPINION.

“Bakit ka ba Nag-MassComm?”

Nov. 6, 2011 @ 9:35 AM _

‘Yan yung tanong sa akin ng mga kaanak ko. Bakit sa karami-rami ng mga courses na pwede kong piliin ay nagmasscomm daw ako. Hindi raw ako makakahanap ng trabaho agad-agad. Mas maganda raw ang kinabukasan ko kung nag-accountancy ako o kung hindi naman ay nag-I.T. o PolSci. Gusto ko sanang i-defend ang sarili ko ngunit talagang pinigilan nilang lumabas ang mga salitang sisira sa mga argumento nila tungkol sa isyung ‘yon. Kaya hayun ako, naging parang tutang walang imik at nasa sulok lang, nakikinig sa kung anong bina-“blah blah” nila tungkol sa ‘kin. Aminado akong may point sila. Point na alam ko sa kaloob-looban ng aking puso’t isipan ay maka-counter argument ko kung binigyan ako ng pagkakataon.

Pero siguro kung nabigyan ako ‘nun ng pagkakataon, ipapahayag ko sa kanila yung mga punto ko. Puntong alam kong mas matimbang pa kaysa sa mga mababaw na rason nila. Hindi ko rin naman sila kayang sisihin kung bakit nagrason silang mas ekonomikal kung isa sa tatlong courses na ‘yun ang i-take ko. Kung sa bagay, kung hindi “in demand” ay “instant” ang pagkakapasok ko sa trabaho. Ngunit may kailangan pa ring ikonsidera kung ite-take ang courses na ‘yun. Ito ang magsisilbing mga punto ko.

Una, bakit ko pa dinanas ang pwersahang pagpapabasa at pagpapasulat sa akin ng mga encyclopedia at reading materials, ang anim na taon sa elementaryang ginugol ko sa pag-i-Ingles o Filipino atsaka isama mo na rin ang apat na taong idineboto ko sa pag-aaral kung paano mag-organisa ng mga ideya at gawin itong makatang salaysay  kung mauuwi lamang ako sa isang propesyong hindi naman ito gaanong kailangan? Sayang ang mga panahong iyon di ba? Kung ganyan ang mangyayari eh nag-aral na lang sana ako ng accounting, algorithm o batas at di ko uubusin ang panahon ko sa journalism o creative writing. For short, hindi ko linya ang kung ano mang nabanggit nilang kurso. Wala akong talent diyan. Mas pipiliin kong sumali sa PBB, PBL, PDA, PGT, PSG, PNP, PTA at kung ano pa mang may “P” kaysa magtake ng kursong alam kong magiging suicide o di naman ay traumatic experience sa aking pag-aaral.

Ekonomikal nga ba? Eh papano magiging ekonomikal ‘yun kung mababagsak ako at magpapabalik-balik  sa mga subjects na sure akong hindi ko makakabisado sa apat o limang taong inilaan sa akin. Ga-gradweyt nga ako, magtatapos naman as MAGNA o magna-nine years o SUMMA o summa-sampung taon sa kursong iyon. Bakit? Hindi naman dahil sasadyain ko talaga. Its just that, hindi ko talaga linya. Patawarin n’yo na lang siguro ako kung magte-take up ako ng time upang maka-adjust at matuto sa mga majors ko. Pero kung talagang gusto niyong makatipid, ‘dun kayo sa generic drugs.. este.. hayaan niyo na lang ako. Sure na sure naman akong matatapos ko ‘to.  With flying colors pa. Pwede ring hindi. Pero praying for the former to happen.

Next up, hindi ko bokasyon ‘yun.  Bokasyon ko ‘tong pinili ko. Siguro ‘nung bata pa ako ay insecure ako sa mga pinsan ko. Insecure dahil hindi ko namana ang mathematics expertise ng pamilya natin. Atsaka insecure dahil si P-Noy eh may Porsche samantalang ako, wala. Pero anyways, later on sa buhay ko eh na-realize ko kung bakit ganito ako. Hindi naman sa may pagkukulang ako. Looking at the greener side of the lawn, kahit wala akong talent sa pag-a-addsubtractmultiplydivide sa loob ng 30 segundo, may skill naman akong makagawa ng isang sanaysay, note, o walang kwentang blog entry gaya nito sa loob lamang ng 45 minutes. Hindi man ako napapabilang sa mga Math Competition eh niyayaya naman akong kumanta, sumayaw, sumulat, magphotographer, magmodel, mag-acting, magdeklama, magbigay ng impromptu speech at kung anu-ano pang checheburecheng kaya at kinakaya kong gawin. ‘Yung iba nga eh ginagawa ko nang sideline. So ano ang punto ko? Narealize ko lang na ginawa ako ng Diyos na iba sa karamihan sa mga pinsan ko upang ipadama sa pamilya kong blessed sila dahil may miyembro silang talentado sa kung ano na lamang na hindi sakop ng powers nila. Alam ko ring ginawa ako para maglahad ng katotohanan, magbahagi ng karanasan at saka siguro mang-inspire ng mga tao ( at mga chicks) na gawin pa rin ang tama kahit baluktot man ang mundo.

Ang panghuli naman eh dito ako komportable. Dito ako nag-eenjoy. Dito ako masaya. Dito sa mahirap at masalimuot na mundo ng pagbabalita. Mahirap, pagka’t ultimo paghahanap ng istasyon o dyaryong kukupkop sa’kin eh maabutan pa ako ng siyam-siyam. Tapos ‘pag makapasok man ako, hindi naman agad-agad malaki ang sweldo ko.  Syempre on a rush ako  para makahanap ng balita so sure namang hindi ako makakakain ng almusal. Siguro kung hindi biskwit o isang piraso ng tinapay ay death threats ang magiging almusal ko. On a rush din ‘yung mga tiwaling opisyales na mawala yung mga sagabal sa pagnanakaw nila sa kaban ng bayan eh. Let’s take for example, ‘yung nangyari sa Maguindanao. Nagkataon lang na nabulilyaso sila dahil nakita ang mga backhoe na pag-aari ng gobyerno nila doon sa crime scene. Ang tanong ngayun eh bakit naisipan pa nilang ilibing ‘yung mga journalist gamit yung backhoe nila? Di ba mas wais kung pabayaan nalang nilang mabulok ang mga biktima nila doon at isisi na lamang ‘to sa mga rebelde oras na kumalat ang balita? Ewan ko ba. Hindi ata nakapag-almusal yung mga yun kaya hayun, nagkatuyot yung mga utak nila at naisipan nilang mag-assign ng backhoe ‘dun. Tsaka ipino-promote pa ata yung pagiging salarin nila sa massacre. May pangalan kasi nila yung mga backhoe at heavy machinery na nakita doon.Wew! Pero kahit ganito man ang buhay na nakaabang sa akin, di pa rin ako takot. Hindi ako masisindak ng mga hamong ito. Hindi dahil kasinggaling ako nina James Bond o Jason Bourne sa self-defense. Hindi dahil marami akong koneksyon gaya ni Don Vito Corleone. Pero dahil tao akong may Diyos na kaagapay, kinakatakutan at kakampi laban sa mga masasamang elemento gaya ng mga Arroyo at mga Amfp!atuan. Kaya ako masaya. Dahil alam kong sa tatahakin kong propesyon ay marami akong maibabahaging kwento. Kwentong makakaantig sa mga puso ng aking audience. Kwentong tungkol sa kung pa’no ako binibiyayaan ng Panginoon araw-araw. And knowing that I have presented all my points and arguments and as well as rebutted all my opponents arguments, I could say I won this debate and I therefore end my case.

P.S.: Ako Budoy! JOKE! :DDDD

Sep. 8, 2011 @ 10:19 AM _

(via damnstelle)

Sep. 6, 2011 @ 11:08 AM _

(via scheishe)

Reblog if you’re online and want some asks.

Sep. 6, 2011 @ 11:07 AM _

(Source: stevepym, via wendyatpeterpan)

Sep. 6, 2011 @ 10:50 AM _

(Source: leilockheart, via leilockheart)

Sep. 6, 2011 @ 10:29 AM _

(Source: tailored-sheets, via heydre4mer)